Blog Homepage
Newer Entries «
Older Entries »

My works...my masterpiece

all that i've done...all about arts

my first comics assignment 27th March 2005, 15:43
Average Score: 4 (14 votes)

Ako at ang komiks na tagalog.

Bata pa ako mahilig na talaga akong magbasa ng comics. Sa una'y mga drawings lang ang binabasa ko. Tapos natutunan ko naring basahin ang mga dailogs at captions. Noong una pa nga ay sinasaway ako ng katabi kong nagbabasa rin,"Hoy! Hinaan mong boses mo bata! Di ka ba marunong bumasa na mata lang ang ginagamit?"

Simula noon pinilit kong magbasa ng walang ingay at mata lang ang ginagamit. Pero hindi ko maiwasan ang pagbuka-buka ng bibig ko para mapantig ang mga salita sa komiks. Di ko kasi maintindihan ang binabasa ko kung di ko gagawin yun.

Tandang-tanda ko pa. Sinusugod ako ng Inay sa tindahan ni Nanay Tunang na may daladalang patpat na pamalo. Basta marinig ko ang sigaw nya sa pangalan ko...mistula iyong batingaw ng kampana para mapa-igtad ako sa bangkong upuan sabay soli ng komiks kay Nanay Tunang.

"Balikan ko na lang po mamaya yung sukli kong singkuwenta!"

At walang lingon-likod akong kakaripas ng takbo patungo sa bahay namin at doon na ako aabutan ng Inay. Sa bahay na niya ako papaluin, habang sinasabing,"Wala ka na talagang ginawang magaling! Pagkakagaling mo sa eskwela deretso ka sa pagbabasa ng komiks sa halip na tumulong ka dito sa bahay! Tamad! Anong mapapala mo sa pagbabasa ng lintek na komiks! Pagnaipakain ko sa iyo ang mga komiks na yan makikita mo."

Pero hindi ako napatigil ng masasakit na palo at mga mura ni Inay sa pagbabasa ng komiks. Sa halip ay tila lalo akong nalulong sa pagbabasa nito. Halos araw-araw basta may pagkakataon ay naroon ako sa komiksan at nagbabasa ng arkiladong komiks sa halagang bente-singko sentimos. Talagang tinitipid ko ang aking perang baon sa eskwelahan para may maibayad sa arkila. Ewan ko ba, tila kulang ang araw ko kung di ako nakakabasa ng komiks.

Hanggang nagsawa na lang ang Inay sa pamamalo sa akin.

Masarap kasing magbasa ng komiks. Sa pagbabasa nito'y natatakasan mo ang mga hirap ng buhay, nakakalimutan mo ang mga problema. Isang paklalakbay sa bagong mundo ng pantasya at ilusyon ng realidad...may lungkot at saya sa drama. May hatid na tuwa ang komedya, sindak at kaba ang kuwento ng lagim at karahasan. At sadyang kiliti at sarap ang dulot ng sensasyon na nagpapalikot sa isipan kung temang seks naman ang binabasa. Kaya naman pinakamababa na siguro sa limang komiks ang nababasa ko sa isang upuan.

May malaking impluwensya rin sa aking paglaki ang pagbabasa ko ng komiks. Dito ko nasumpungan ang mga taong o katauhang nagpabago sa aking mga pananaw sa buhay. Mga situwasyon at pangyayaring pumukaw sa aking kuryosidad.

Lahat na halos ng tagalog komiks noon ay nabasa ko na. Tagalog Klasiks, Aliwan, Pinoy komiks, Happy, Espesyal, Hiwaga, Darna, Lovelife, Horoscope, TSS, Wakasan, atbp. Paborito ko ang mga tuluyan na nobela gaya ng Zuma, Darna, Captain Barbel, Panday, mga nobela ni Mars Ravelo, Jim Fernandez, Carlo Caparas, Gilda Olvidado, pati narin ang maiikling kwento nila. Gusto ko rin ang mga kuwento ng baguhan pa noon na si KC Cordero. Nakalimutan ko na ang pangalan ng ibang mga magagaling din na manunulat sa komiks.

Sa mga dibuhista sa komiks, gusto ko ang mga guhit nina Mar T. Santana, Clem Rivera, Vincent Kua, Louie Celerio at Nestor Malgapo.

Magtatapos na ako ng high school nang ma-appreciate kong alamin ang mga kwentista at dibuhista ng mga kuwentong komiks na binabasa ko. Naging impluwensya sila at inspirasyon sa akin sa pangarap kong maging isa ring dibuhista at manunulat sa komiks noon. May talent din ako sa pagguhit. Ang totoo n'yan naging sideline ko noon ang portrait Illustration gamit ang charcoal medium.Mga pinsan at kaibigan ko ang siyang nagpapa-portrait sa akin. Kaya nga minsan sa halip kumita, kalimitan ay libre. At nag-aral din ako nang Comics Illustration kasabay ang Mechanical Engineering Course ko sa PBMIT. Home study naman kasi ang comics illustration course na kinuha ko kaya naisabay ko ito sa aking pagkokolehiyo. Si Nestor Malgapo ang naging instructor dito sa comics llustration.


Natigil lang ang pagbabasa ko ng komiks nang magkatrabaho na ako sa isang Construction firm sa Batangas bilang helper-grinder. Pero hanggang ngayon na isa na akong Supervisor sa isa paring construction firm sa Cebu ay nananatiling narito sa puso ko ang pangarap kong maging isang comics illustrator and writer...pero hindi ko pa alam kong kelan. Trenta'y siete na ako ngayon. May asawa't dalwang anak pero hanggang ngayon nagniningas parin ang pangarap naiyon sa aking puso.

Tags: art, comics, illustration, in ink, talent.

Rate this Image (1 - worst, 10 - best)
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
Leave Comment

You must be logged on in order to post a comment.

Login
Free Registration

Comments

nice pen&ink — antons, 27/03/2005 16:05

Trackbacks

< 2008 >
< July >
  1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31      
M T W T F S S

Show Recent Entries

Actions
» BusyThumbs Home
» Create Your Own Blog!
» Login
» Author Profile
» Forum
» Any Questions?
My Favourites
7secondprayer Antonsworld
Inay Portfolio
Qoutes Relafriends
Scrapblog  
My Links
Hot Topics

Google Earth - Improved 3D! by moblog on 25 Sep 2006

Welcome To BusyThumbs! by tripleox on 14 Sep 2006

Edit Pictures In Your Browser by tripleox on 14 Sep 2006

Mobile Phone Safety by tripleox on 13 Sep 2006

Video Blogging by tripleox on 08 Sep 2006

Busythumbs Feedback by tripleox on 06 Sep 2006

BusyTagging by tripleox on 24 Mar 2005

Syndication